Talambuhay: Sino si Ella? (Sulatin #3)

    Sino si Ella? si Ella ay nag iisang babaeng anak ng mag asawang nag ngangalang Romelia Cadena at Cirilo Cadena. Ipinanganak si Ella sa Lungsod ng Pasig noong Oktubre 10, 2008. Pinangalanan siyang Ma.Michaella H. Cadena at siya ay ipinanganak na malusog at magandang bata.
    
      si Ella ay may dalawang nakakatandang kapatid na lalaki, sila ay binigyan ng magandang buhay ng kanilang mga magulang. Lumaki rin si Ella na masiyahin dahil na rin sa kaniyang mga magulang na ubod ng bait at nag bibigay rin ng saya lalo na sa mga nakapaligid sakanila. Ngunit sadyang mapag laro ang tadhana. Nag hinawalay ang mga Magulang ni Ella noong nakaraang taon nobyembre 2023, ang bahay nila ay nabalot ng lungkot, sakit at pag kadismaya. si Ella ay halos malunod sa luha sa nangyari dahil na rin sya ay Bunso at talagang napamahal sa kaniyang mga Magulang. Lumipas ang isang buwan ay namayapa naman ang pinaka mamahal na Lola ni Ella noong December 2023. Hindi naging madali ang taong 2023 kay Ella dahil sa mga nangyari, ganon pa man ay pinili pa rin ni Ella na iwanan lahat ng lungkot at umusad. Hindi man naging madali ang lahat kay Ella ay meron pa rin isang tao na nasa kaniyang tabi upang pagaanin ang kaniyang loob, lagi siyang pinapasaya nito at ginagabayan, ito ay ang nobya ni Ella na si Jay. Siya ang naging lakas at supporta ni Ella sa lahat ng nangyari sakaniya.

     Sa mga nangyari kay Ella ay marami rin syang natutuhang leksyon. Hindi man naging madali ngunit pinili niya pa rin na umusad at mag patuloy sa buhay. Ininda nya lahat ng sakit, dismaya at lungkot ng nakaraan upang mag patuloy sa buhay. Ngayon siya ay nag papatuloy sa kaniyang pangarap na masaya at may supporta ng mga nakapaligid sakaniya.