Anak (Sulatin #2)
Ang awiting "Anak" ni Freddie Aguilar ay isang orihinal na obra maestra sa musikang pilipino. Ang kantang ito ay tungkol sa anak na inalagaan ng kaniyang mga Magulang. Dito rin ay nag bibigay mensahe sa taga pakinig na huwag baliwalain ang ipinapayo saiyo ng iyong mga magulang, itinuturo rin ng awitin na wag nating kakalimutan na tumanaw ng utang na loob sa ating mga magulang dahil sa mga isinakripisyo nila para sa atin.
Sa umpisa ng awit, inilarawan ang walang katapusang pag-ibig ng mga magulang sa kanilang anak. Mula sa kanilang kapanganakan, tinutuklasan nila ang kanilang anak nang may taos-pusong pag-aalaga. Sila ang nagbibigay ng gabay at nag-aalay ng sakripisyo upang masiguro na magiging maganda ang hinaharap ng bata. Ngunit, habang nagiging mas matanda ang anak, hindi maiiwasan ang mga pagbabago sa kanyang asal at pananaw sa mundo. Sa kabila ng mga babala at mungkahi ng mga magulang, ang ilang mga anak ay natututo sa kanilang sariling paraan—paminsan sa maling landas.
Ang "anak" ay isang awiting na nag lalaman ng mahahalagang leksyon. Una, ay ipinapakita nito ang kahalagahan ng pag mamahal at sakripisyo ng ating mga magulang upang tayo ay maituwid at mamuhay ng maayos. Pangalawa, ito ay isang paalala sa ating mga anak na wag mag desisyon ng padalos dalos, lagi nating iisipin ang pag hihirap ng ating mga magulang para lang tayo ay mabigyan ng maayos na pamumuhay. At higit sa lahat, ito rin ay nag tuturo sa atin na bilang anak at nakikita natin ang kanilang pag hihirap at sakripisyo ay matuto tayong mag pakumbaba at humingi ng tawad sa ating mga magulang.