Bagyong Kristine (Sulatin #1)
Ang bagyong kristine ay isang matinding bagyo na dumaan sa Pilipinas noong Oktubre 2024. Marami ang naapektuhan at nasira ng nagdaang bagyo na nagdulot ng matinding pag baha at pag kasira ng ibang kabahayan sa iba't ibang parte ng Pilipinas. Nagdala ito ng malalakas na hangin at ulan na nag-resulta ng matinding landsline sa ilang bahagi ng bansa. Lubha rin naapektuhan ang ating mga kababayan sa Bicol tulad ng Naga, Camarines Sur at sa ibang bahagi ng Sorsogon.
Sa kabila ng nagdaang matinding epekto ng bagyong kristine, ipinakita pa rin ng mga pilipino ang bayanihan, malasakit sa isa't isa at lakas ng loob. Ang malasakit sa isa't isa ay makikita pa rin nang mag kaisa ang ating mga kababayan upang mailigtas ang isa't isa. Mabilis rin namang kumilos ang mga ahensya ng gobyerno upang tulungan ang mga naapektuhang komunidad. Maliban dito, marami ring tumulong na mga non-government organization at artista katulad na lamang ni Gerald Anderson at Former Vice President Leni Robredo kasama ang Angat Buhay Volunteers.
Ang pag daan ng bagyong kristine ay isang paalala satin na dapat lagi tayong handa sa kung anong kalamidad ang dumaan sa bansa. Ito rin ay nag silbing hamon sa atin upang mas mapag handaan natin ang mga hakbang para sa mga susunod na darating na bagyo. Nawa'y mapanatili natin ang bayanihan at lakas loob na humarap sa lahat ng pag subok na darating sa atin. Ang pag daan ng bagyong kristine ay nagbigay-diin sa atin upang mas mapag planuhan pa ang mabilis na pag tulong at pag babalik ng buhay sa normal. Sa huli, nanatili pa rin ang pag kakaisa at pag tutulungan ng bawat isa sa anumang kalamidad.